A A A

Kabataan ng Kristong nakapako sa Krus

Level up o Level down?

Ito ang uso ngayon???
Oo, marami na ang naglalaro ng mga MMORPGs (Massive Multiplayer Online Role Playing Game)...

Libu-libong tao na ang nageensayo upang magpalakas at maipagtanggol ang bayan ng Midgard... Mag-aaral man o mga Propesyonal ay halos hindi na kumain, hindi na natutulog at hindi na rin nag-aaral para lamang sa iisang hangarin... ang umabot sa level 99... "Ragna Cum Laude" sabi nga nung isang kong kaibigan...

Ang maglaro ng Ragnarok ay napakahirap na gawain... isipin mo na lang na sa bawat pag-eensayo ay kailangan mong makipaglaban sa mga halimaw at iba pang mga nakakatakot na nilalang para lamang lumakas at makapaghanda sa mga laban...

[Nakakagutom] dahil sa sobrang pag-eensayo ay hindi mo na mamamalayan na wala ka ng perang pambili ng pagkain... "Hindi na muna ako kakain para makapaghanda sa nalalapit na digmaang wala namang patutunguhan..."

[Nakakapagpahina ng isip] dahil wala ng inatupag kundi ang laro... "Tsaka na ang assignment... Wala munang aral dahil makakasagabal lamang ito sa aking pag-eensayo..."

[Nakakapuyat] dahil wala ng oras para matulog... "Hindi muna ako matutulog dahil anumang oras ay mageexpire na ang card ko"

Mahirap dahil sa bawat araw ay kailangan mong tipirin ang sarili para lamang makapaglaro sa mga computer rentals... Kailangan kong maging alerto sa mga nangyayari sa paligid... Kailangan kong ipagtanggol ang Midgard!!! Kailangan kong maging level 99!!! Kailangan kong makilala sa buong mundo sa larangan ng Ragnarok!!!

Pagkatapos nito...
Ano na???
Ano na ang gagawin ko???

Hindi naman masama sa isang tao ang magkahilig o magkaroon ng interes sa paglalaro... lagi lamang nating tatandaan na may mas importante pang bagay kesa sa paglalaro... nde natin kailangang lumaban sa masasamang elementong mula sa bayan ng Midgard... nde na kailangang umabot sa level 99 para makatulong at maging superhero... nde na kailangang magcutting classes, magpuyat, gumastos ng P300.00 paras sa card para lamang lumakas at makipagpaligsahan sa kapwa natin superhero...

O ano na??? Gusto mo bang maging Level 99??? maging "Ragna Cum Laude"???
Hindi pa huli ang lahat...
Marami pa ang masasamang elemento na kailangang supilin sa Midgard...
Inaantok na ko... may pasok pa pala bukas...
Kailangan kong gumising ng maaga @_@

##########################
Midgard - pakitanong na lang po sa naglalaro ng Ragnarok
paunawa... ang mga nakalahad sa
pahayag na ito ay pawang dala
lamang ng kaantukan at pagkawala sa sarili
at pagkawala ng cellphone...

    News Flash

    Welcome!

    Hello fellow members, welcome to our new website! Please feel free to roam around though some section of this site is still under development.

      Read more...

      Latest Users

      • kobe24
      • Pupung
      • jecka
      • pitz_27
      • may