A A A

Kabataan ng Kristong nakapako sa Krus

Nasasaktan pa rin

Di ko alam kung ano ang dapat kong gawin,,, umiyak, tumawa, tumalon, maglupasay dahil sa iniwan na nya ako,,, Aaminin ko merong kaunting kurot na sa puso ko'y di ko maikailang nasasaktan ako,,, Oo lumuha ako pero bumangon dahil ayokong tawagin akong talunan.

Oo masakit pero kailangang magtiis dahil isa itong pagsubok na tatatak sa puso ko,,, nagmahal kasi ako ng totoo,,, doon ko rin narealize na ang mga katulad kong nagpupumilit magmahal ay hindi pa talaga dapat,,,, dahil unang-una maraming maaapektuhan... dapat pala hindi ako nagmadali ngayon eto ako at patuloy na nasasaktan... Dapat nakinig ako sa mga nagsabi noon na paasahin ko nalang sya dahil mukha naman daw kasing hindi seryoso.

Oo nagduda ako pero hindi ko yun pinansin kasi sabi ng puso ko "Kung mahal mo sya magtiwala ka" nagtiwala naman ako pero eto parin ako at nasasaktan,,, parang ang hapdi sa puso,,, parang ang sakit talaga,,, lumuha man ako ng lumuha di parin sapat yun,,, mamaga man ang mga mata ko sa kakaiyak wala parin yun sabi nga nya kasi "WALA NG PAKI-ALAMANAN" pilitin ko mang kalimutan bumabalik-balik parin sa akin ang mga sandaling iyon,,,

Oo ang sakit talaga,,, wala talaga akong masabi kundi ang masakit parin,,, hindi ako nagsisisi dahil nakilala at minahal ko sya,,, nagsisisi ako dahil hindi ko napanghawakan ng maayos ang aming relasyon,,, ang sakit parin parang gusto ko ng mamatay pero alam kong marami pang iba dyan na mas mamahalin ako sa kung sino at kung ano ako,,, di ko parin kayang panghawakan ang pride ko dahil ilang bese ko na ring kinalimutan ang mga sinabi ko para lang sa kanya,, ilang beses ko naring narinig ang sarili kong nagbitiw ng salitang sorry para lang sa kanya na di hindi ko nagawa sa iba maliban nalang kung alam kong ako ang may kasalanan,, nasasaktan parin ako,, ibaling ko man sa iba pero eto parin ako at nasasaktan,, pilitin ko mang wag na syang isipin at pag-aaral nalang muna, pero hindi eh nasasaktan parin ako,, paano ba to? tulong naman dyan,,, tulungan nyo akong magkaroon ng amnesia para kahit sa ganoong paraan man lang makalimutan ko sya kasama na ang aming nakaraan....

(for your comments please sa e-mail nalang... This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. )

    News Flash

    Welcome!

    Hello fellow members, welcome to our new website! Please feel free to roam around though some section of this site is still under development.

      Read more...

      Latest Users

      • kobe24
      • Pupung
      • jecka
      • pitz_27
      • may