A A A

Kabataan ng Kristong nakapako sa Krus

Nakaidlip!

Nakasakay ako nun sa Jeep (Quiapo-Proj8) pauwi ng bahay, inaantok, pagod, umiikot na yung mata ko nun, lapit na akong makatulog sa jeep... pero may isang nakaagaw ng attensyon ko, (isang magandang babae) este... ganito kasi yun.......

bata: "Kuya pasabit!!! Jollibee lang!!!"

- sinakay ng bata yung kanyang kapatid... punas dito punas doon... halos lahat yata ng paa pinunasan ng basahan na hindi ko alam kung saan nanggaling... mas madumi pa kasi ang kulay sa suot nyang damit... nakakaawa yung magkapatid... gusto kong tulungan pero sakto lang ang pamasahe ko nun... wala akong magawa kundi maawa... sleepy pa rin ako nun...

driver: "Oist!!! baba na! baba! di pwede ang bata d2!!!"

bata: "sasabit lang eh! damot neto oh!"

driver: "hindi nga pwede! ipahuhuli kita sa pulis!!!"

bata: "angas mo ah! put@#% i@# mo!!!"

- ayun na!!! bigla akong nagising...

driver: "abah putaragis kang bata ka!!! hindi ka ba bababa jan?"

- bumaba yung bata... kasama yung kapatid nya na pasan pasan sa likod.

bata: "Pakyu! eto sa'yo uhmmm!"

- kunwari bababa yung driver...

bata: "Sige ano?!? ha?!? put#$% i*% mo! lalaban ka ba?!? ano?!? sapakan na lang oh!!!" sabay takbo palayo yung bata... siguro mga 10 years young lang yun...

tapos yun na... pumikit na lang ako... napaisip ng konti...

nakakaawa yung mga bata... pero wala akong nagawa... nakakapanghinayang ang mga batang nasa lansangan... Hindi ko lubos maisip na mayroong mga magulang na pinapabayaan ang kanilang mga anak na mamalimos, mangholdap, mang-snatch, matulog sa kalsada, mag drugs at sumali sa kung anu-anong mga grupo na wala namang ginawa kundi manggulo...

dahil ba ito sa kahirapan? kakulangan sa kaalaman? o dahil na rin sa katigasan ng ulo nating mga Pilipino? ano sa palagay mo? ako??? ewan ko... wala rin akong sagot... basta hindi ko hahayaan na maging ganun ang magiging anak ko...

at iiwasan ko ng umidlip sa byahe sa susunod... magastos... doble pamasahe...

    News Flash

    Welcome!

    Hello fellow members, welcome to our new website! Please feel free to roam around though some section of this site is still under development.

      Read more...

      Latest Users

      • kobe24
      • Pupung
      • jecka
      • pitz_27
      • may