A A A

Kabataan ng Kristong nakapako sa Krus

Hay, ang buhay nga naman...

Kawawa... yan ang una kong masasabi para sa mga batang di nasaksihan ang pangit at maganda sa mundo...

Kung ano ang tinutukoy ko... Ang mga fetus na itinapon sa mga kalsada,simbahan, o sa mismong basurahan... Bakit kaya may mga magulang na tulad nila na hindi na nagkaroon ng kahit onting habag man lang sa batang pinapatay at pinatay nila.

Nung biyernes break time naming yun! Naglalakad ako kasama mga kaibigan ko galing kami sa bahay ng gf ng pinsan ko napatingin ako sa mga pader pabalik na kami ng MCU nun. Nabasa ko ang mga katagang "BAWAL MAGTAPON NG FETUS DITO" huh???? Ganun ba talaga dun? sa may likod yun malapit sa MCU yun.. grabe gulat na gulat talaga ako nung mabasa ko yun, pati nga yung mga kasamahan ko nagulantang.

Masasabi kong maswerte parin ang mga batang yun kahit paano kasi hindi na nila natikmang makita at maramdaman ang lupit ng E-VAT ni Ate Glo at indayog ng CHA-CHA sa bansang dapat ay nakatayo sila at naglalaro sa may kalsadang puno ng alikabok. Pero sa tuwing makikita ko yung libro kong may cover ng baby child inside a mother's womb naaalala kong kong malas parin sila kasi hindi nila naranasang makapagsaya wala! Patay na agad sila. Ni hindi man lang nila naranasang magsaya, maglaro, tumakbo, kumain ng masasarap na pagkain, mahalin ng kaibigan o maski ng magulang kung meron man, makinig sa mga pinoy bands na sikat ngayon, makisabay sa saliw ng magagandang pag-indak ng sexbomb dancers, o di kaya naman ay makayakap man lang ng isang taong kaakibat niya diba?? Hay buhay nga naman pag minamalas noh?? Buti nalang hindi ako kaisa sa kanila kasi nandito ako at nangungulit sa tita ko na payagan akong makapag YM sa bahay diba?? Pero sana lang matigil na ang abortion sa buong mundo. Kahit na gipit na sa space ang mundo para sa kanila ok lang kasi utos naman ni GOD na mag multiply tayo diba? Lalo na dun sa mga place na legal ang abortion.

"LIFE IS A GIFT FROM GOD"

    News Flash

    Welcome!

    Hello fellow members, welcome to our new website! Please feel free to roam around though some section of this site is still under development.

      Read more...

      Latest Users

      • kobe24
      • Pupung
      • jecka
      • pitz_27
      • may