A A A

Kabataan ng Kristong nakapako sa Krus

Pasko na ulit...

Naglipanang kumukuti-kutitap na mga ilaw, sumasayaw sa saliw ng ihip ng hangin na munting parol, mapagmalaking Christmas tree, mga sumasalaming Christmas balls, mumunting tinig ng mga munting Christmas bells, at mga mapang-akit na pigura ng mga belen, mga anghel at iba pa na may kinalaman sa pasko. Nakakatuwang pagmasdan, nakaka-aliw pakinggan. Nakakapagbago sa buong mundo... ano ba ang meron sa pasko? Maraming tao ang napapagbago nito... pasko, pasko, pasko anong meron sayo, tila buong mundo'y na angkin mong parang iyo... sandamakmak na kantahan at walang sawang kaligayahan pumapalibot sayong pagkatao. Nakakasaya, nakakapagbigay kulay sa puso ng bawat isa. Sa bawat isang sa puso'y tumatatak na para bang walang kapagbabago pa ng iyong mga ala-ala...

Pagsapit ng ika-25 ng Disyembre masaya ang lahat may party yung iba, meron namang buong pamilyang sabay-sabay kung pagsaluhan ang kanilang Noche Buena. Masaya kung buo ang pamilya, masayang maging isa sa mga nakangiting abot tenga ang pagngiti. Sarap nun, sure ako!!! Isang ama na naka-upo sa kabisera at nakangiting ina-abot ang masarap na luto ng isang ina na inaasikaso ang kanilang mga anak sa pagkain ng mga masasarap na putaheng nakahanda.

Di lahat ng tao ay ganito kaswerte. Maraming nasa lansangan at habang nakikipagpatintero sa mga sasakyang rumaragasa kalaban ang gutom at lungkot pero kailangang mabuhay sa buong araw, kinabukasan at sa darating na mga bukas kaya mahalaga ang bawat baryang nahihingi sa mga taong may puso. Ang iba sa bahay-bahay nagtutungo, kumakanta o di kaya nama'y tumutugtog ng mga instrumentong alam patugtugin. Ayoko lang na maranasan nila na di pa sila nakakatatlong segundo sa pag-uumpisa eh sisigawan agad sila ng "PahHhtaAaaaAhHhhwHhhaddd!!!" ayoko talaga naaawa lang ako sa kanila kahit na alam kong di nila kailangan ng awa ko, kailangan nila ang tulong ko pero isa lang akong hamak na batang wala pang maipagmamalaki sa buhay.

"Barya mo, Buhay ko." Madalas akong makakita nito sa mga cashier sa mall. Isang taos pusong pagtulong mula sa mga batang uliran sa mga magulang. Nakakatuwa at mayron paring mga taong walang sawang naghuhulog ng bente singkong barya...

Isang gabing walang kapantay, isang umagang walang katulad, masasayang mga ala-ala mula sayo kapaskuhan, pag-asang bumubuhay sa mga sawing palad at walang humpay na pagbibigayan. Mga taong napagbago ng dahil sayo pero minsan narin akong nakapansin ng isang tao na talagang pagpasko lang umaariba sa pagtulong. Nakakalungkot mang isipin pero totoong maraming di ganap na nakakapagbago (tulad ko!J). Nakakahiyang malaman na sa ibang tao'y wala kang silbi. Wag gawing excuse yung pasko para lang sa mga papuring gustong matamasa. Maging totoo, wag maging plastik paano nalang kung araw-araw maging pasko magawa mo pa kayang tumulong at magpakahirap para sa iba para lang sa palabas mo? Pasko na ulit maging totoo sa sarili upang ikaw ay bigyang papuri.

    News Flash

    Welcome!

    Hello fellow members, welcome to our new website! Please feel free to roam around though some section of this site is still under development.

      Read more...

      Latest Users

      • kobe24
      • Pupung
      • jecka
      • pitz_27
      • may