A A A

Kabataan ng Kristong nakapako sa Krus

Sa Iyong Mapagkalinang Kamay

Sayong mapagkalingang kamay
Nais kong mahimlay
Na para bang walang balakid
Sa ano mang sulok ng paligid

Mensaheng hatid ng hangin
Sayong mga salita'y ako'y alipin
Sa haplos ng iyong puso
Ako'y tila isang bunso

Manining-ning mong mga mata
Na sa buong katawan ko'y nagpapalanta
Na para bang may kakaiba
Sa pagkurap ng yong mga matang wala sa iba

Sa mala-anghel mong tinig
Ako'y masugit na nakikinig
Na parang ni isa'y ayaw palampasin
Sa mga pangungusap mong kapansin-pansin

Masasayang karanasan na hatid
Ng yong kabaitang aking nabatid
Sa simula pa lamang ng aking paglalakbay
Na sa aki'y nagbigay ng kaligayahang tunay

Lambing ng iyong ngiti
Na sa puso ko'y kumikiliti
At sa isipan ko'y naghahatid
Ng kaligayahang walang patid

Ako'y tila isang baliw
Saking pag-aaliw
Na pilit sumasakay sa saliw
Sa loob ng yong paraisong kagiliw-giliw

Ako'y isang ligaw
Na pilit humihiyaw
Na pilit hinahagilap
Ang matataas mong pangarap

Isang sulyap na mapagkalinga
Isang maluwag na pagbuntong-hininga
Isang tingin ng mga matang mapaghanap
Na umaasang aking mahagilap

Higpit ng yong yakap
Na aking hinahagilap
Sana'y iyong maibahagi
Sa puso kong nais magwagi

Tamis ng labi
Na bubuo sa aking gabi
Na nais mahagkan
Ay sayo matatagpuan

Kinis ng yong mukha'y nais kong mahawakan
Saan mang parte kaliwa man o kanan
Upang aking mapangalagaan
Ang tunay mong kagandahan

Mapag-aruga mong awitin
Ay nais ulit-ulitin
Nang ang isang tulad ko'y di nabibitin
Sa ano mang nais mong sambitin

Tuwang hatid ng yong pagmamahal
Sana'y dumating ng walang sagabal
Ng buhay ko'y maging maayos
Na kasama ko hanggang sa magtapos

Ang buhay na aking iningatan
Pati dangal na aking inalagaan
Buong-buo na sayo'y ini-aalay
Kahit pa sa hanggang kabilang buhay

Pag-ibig na walang humpay
Na saiyo'y aking ina-alay
Sana'y iyong tanggapin
Kahit pa maging alipin.

( tayo'y nag-uusap sa ilalim ng alatiris
dahil matagal na kitang na-miss
at ako'y di na makatiis
na halikan ang yong labing matamis.)
[la lang to']

attention: ang taong gumawa nito wala sa tamang pag-iisip nung ginagawa ito. Lkaya pasensya kung saka-sakaling kayo ay maguluhan. Salamat sa pagbabasa.

    News Flash

    Welcome!

    Hello fellow members, welcome to our new website! Please feel free to roam around though some section of this site is still under development.

      Read more...

      Latest Users

      • kobe24
      • Pupung
      • jecka
      • pitz_27
      • may