A A A

Kabataan ng Kristong nakapako sa Krus

Sino, Bakit, Saan at Ano?

Pinilit kang limutin
Ngunit di kayang gawin
Sinubukan kong sarili'y lokohin
Pero ganun parin ang nasa damdamin

Nagtanong ka,"umaasa ka pa ba?"
Gusto kong talikuran at wag ng pansinin pa
Pero ano't bakit paulit-ulit pa
Dahil ba ako'y gustong masaktan pa

Ang hirap makipagsapalaran
Lalo pa't kalaban mo'y iyong nararamdaman
Saan ako lulugar kung may masasaktan
Na isang bagay na pwedeng pagmulan ng alitan

Ayos na ang maging masaya
Na ang lahat ay nakatawa
Kesa ang maging maligaya
Na ang isa'y kalungkutan ang nadarama

Nais kong maintindihan
Ano ba ang iyong dahilan
Kung bakit ako'y binabalikan
Ng mapaglarong nakaraan

Sa t'wing maaalala ang isang gabi
'sang gabi na ako'y yong isinantabi
sa piling ng iba'y nakitang nakangiti ang 'yong labi
habang ako'y nandito't umaasang ikaw ang katabi

ano ang kailangan kong maramdaman
upang kaligayaha'y makamtan
nang di na muling masaktan
ang puso kong nais makadama ng katahimikan

ano ang gagawin
sino ang dapat piliin
ano ang dapat damahin
at sino ang dapat limutin

message from the author: kung sakaling nalito ulit ang iba dito para maunawaan nyo po sadya ko pong pinaghahalo-halo ang mga gawa ko kaya mayroong naiiba ang kahulugan. Pero ganun pa man salamat sa mga may oras na bumasa dito sa walang kwentang isinulat ko. Salamat!!!

    News Flash

    Welcome!

    Hello fellow members, welcome to our new website! Please feel free to roam around though some section of this site is still under development.

      Read more...

      Latest Users

      • kobe24
      • Pupung
      • jecka
      • pitz_27
      • may