A A A

Kabataan ng Kristong nakapako sa Krus

Ang Tanging Hiling

Simple akong namumuhay noon halos wala ng mahihiling pa sa buhay, kasi kahit walang luho masaya ako. Ngayon halos lahat ng luho ay nkilala ko na kahit di ko alam gamitin nakilala ko naman pero di ko naging masaya. Dahil nagiisa nalang ako sa mundo ko. Kahit saan akoi lumugar, kanino man makisama at gumawa man ng sariling kausap eto parin ako't nagiisa. Marami akong sana at sana at sana ngayon, na noo'y wala sa bokabularyo ko . Di ko alam kung paano ko napulot yung salitang yun. Ang "SANA" ay salita ng mga taong may kailangan at may kahilingan. At ngayon isa na ako sa daan-daan libong nagsasalita nito.

Ngayon malaki na ako, malaki na ang utak ko at may laman na kahit konti, mas lumalim na ang pananaw ko sa buhay ngayon sa mundong kinagagalawan ko. Kung dati larong pagkatapos ng isang laro ang nasa utak ko, ngayon naman kung paano ko palilinawin ang utak ko at mapapasaya ang sarili ko. Ginwa ko na ang lahat tumawa man alam ko paring may kulang:mga taong nagmamahal sa akin ng totoo. Meron nga't napapatawa nila ako pero tawa lang yun at madaling magkunwari, madali ring tumawa lang pero ang maging masaya habang malungkot ka ewan ko nalang kung madali pa yun sayo basta sa akin mahirap yata yun.

Mahirap sundin ang gusto ko lalo nakung wala kang laya sa damdamin mo, gusto mo mang umiyak, tumawa at magalit ng walang dahilan para matugunan ang pagigigng masaya at wirdo mo wala parin. Gusto kong punan ang sarili kong pangangailangan pero paano kung ang lugar na kinatatayuan ko'y ako lang ang nakatayo,ako lang ang nakakaintindi at paano gagawing sumigaw, tumawa magalit at umiyak kung masyado akong natitigilan at napipigilan. Gusto ko mang kilalanin ang tunay na ako hanggang panlabas na kaanyuan lang ako ang nakikita ko at nakikita mo yun lang ako at ang ako sa loob nananatiling nakukubli sa utos ng iba.

Ang tanging hiling ay ganito,ganoon at ganire at gusto kong malaman mo yun.

    News Flash

    Welcome!

    Hello fellow members, welcome to our new website! Please feel free to roam around though some section of this site is still under development.

      Read more...

      Latest Users

      • kobe24
      • Pupung
      • jecka
      • pitz_27
      • may