A A A

Kabataan ng Kristong nakapako sa Krus

Pusong nangungulila

Kay dilim ng gabi kay lamig ng hangin
ngunit di makatulog pagkat nalulungkot
puso ko'y nangungulila sa aking sinta
ngunit walang magawa kundi ang antayin sya.

Nakadungaw sa bintana sa langit nakatingala
pagka't isip lumilipad puso'y naghahanap
hirap sa magdamag sa kaaapuhap
ng aking gagawin upang ako ay mahimbing'

Nakangiti mong mga mata sumilay sa aking diwa
ang sa tuwina'y nagpapasaya sa puso kang hirap na
saka ko naalala panagko natin sa isa't isa
na tayo'y magsasama pag panaho'y dumating na.

Ako'y biglang nagalak puso'y lumundag
nagyo'y payapa na puso'ng nag alala
sa wakas mahihimbing na at di na mangangamba
pagka't mahal kita at yan ay sapat na.

    News Flash

    Welcome!

    Hello fellow members, welcome to our new website! Please feel free to roam around though some section of this site is still under development.

      Read more...

      Latest Users

      • kobe24
      • Pupung
      • jecka
      • pitz_27
      • may