A A A

Kabataan ng Kristong nakapako sa Krus

Kung pwede lang...

Kung ano man ang kasalanan ko
Sana ay patawarin ako
Hirap at sakit lamang ang nararanasan
Sa tuwing ikaw ay makikitang naluluha sayong nakaraan

Pagbigyan akong muling magbago
Sa buhay ko ay wala ng itatago
Ikaw lamang ang mamahalin
Kahit ano man ang nakalaan na dapat kong sapitin

Kung nais mong ako ay mawala
Sabihin mo lang at ako na ang bahala
Hindi na magpupumilit na ako ay mahalin
Ng puso mong iba ang nasa saloobin

Wala nga akong maipagmamalaki
Pagkat ayon ka at nandito naman ako at nawiwili
Sa iyong mga mumunting mata
Na sa akin ay walang maipadama

Saan kaya patungo ang pag-ibig ko
Sinubok na ang lahat para mapansin mo
Pero eto parin ako at nasisilbing anino mo
Pasunud-sunod at walang nais kundi ang pag-ibig mo

Kailan ko kaya matitikman ang umaga
Na ikaw at ikaw lang ang kasama
Pusong sabik sa iyong pansin
Sana ay iyong matutunang mahalin.

    News Flash

    Welcome!

    Hello fellow members, welcome to our new website! Please feel free to roam around though some section of this site is still under development.

      Read more...

      Latest Users

      • kobe24
      • Pupung
      • jecka
      • pitz_27
      • may