A A A

Kabataan ng Kristong nakapako sa Krus

Hinihintay ka ng Puso ko

Nang sabihin mong mahal mo ako
Natuwa ako
Nagsaya, nagkaroon ng pangarap
At naging makulay ang bawat araw ko,
Sumigla ang paligid ko
Dahil ang tagal kong
Hinintay ang sabihin mong
Mahal mo nga ako

Nung iwan mo ako
Nalungkot ako
Nawalan ako ng pangrap
At nawalan ng kulay ang
Dati'y mala-paraiso kong mga araw
Nalungkot ang paligid ko
Dahil hindi ko hinintay ang
Sabihin mong ayaw mo na sa akin

Nang makita kitang
May kasama ng iba
At masaya ka sa piling nya
Parang gumuho ang mundo ko
Parang nawalan ng saysay ang buhay ko
Dahil hindi ko hinintay ang
Sumaya ka sa piling ng iba
At dahil hindi ko matanggap
Na di ka sa akin sumaya

Hinintay ko ang iyong pagbabalik
Bumalik ka nga
Hindi para muli akong ibigin kundi
Sabihin na sa kanya ka masaya
Inakala ko na magsasaya ako
Dahil bumalik ka sa akin
Tinanggap ko ang iyong sinabi
Masakit man para sa akin
Muntik ko mang hindi kayanin
Pero kailangan
Ganun pala talaga pag mahal mo ang isang tao
"You have to set them free"
Mahirap man para saiyo

Pero kahit na iniwan mo ako
At ipinamukha sa akin
Na hindi ka naging masaya
Andito parin ako at naghihintay na sabihin mong
"Mahal pala kita, sana di nalang kita iniwan,
nagsisisi ako dahil pinili ko sya"
Ganun pa man hinintay ka ng puso ko

    News Flash

    Welcome!

    Hello fellow members, welcome to our new website! Please feel free to roam around though some section of this site is still under development.

      Read more...

      Latest Users

      • kobe24
      • Pupung
      • jecka
      • pitz_27
      • may