A A A

Kabataan ng Kristong nakapako sa Krus

Relihiyon ba ang Dahilan?

hay di ko maintindihan talaga, sa dinami dami ng pwdeng maging dahilan ng paghihiwalay namin ng babaeng pinakamamahal ko bakit ito pa?

its been a year ng pagsasama namin lahat nmn ay maayos, masaya, mahal ko sya at mahal nya din ako.

lahat ng pagsubok at problema namin ay nagawa naming lampasan, hindi naman ko nagkulang sa mga panahong kinailangan nya ako at ganun din naman sya.

kung mapapansin mo eh maiisip mong wala talaga kaming problema, hanggang dumating sa puntong naging issue ang aming relihiyon at sinasamba.

magkaiba ang relihiyon namin sabi ng mga magulang nya hindi ako pwedeng makisama sa anak nila hangga't di ako umaanib sa kanila.

mahirap para sa akin ang magpalit ng relihiyon sapagkat ang magulang ko ay mayroong napapansing hindi maganda sa relihiyong kinabibilangan nya.

bakit ganun sila? hindi ba pwedeng magsama kami ng walang nagpapalit or nag iiba ng sinasamba?

walang mailang at walang mamroblema. hangga't kaya ko ipinaglalaban ko sya pero pano kung ang humahadlang sa inyo ay ang diyos na parehas nyong sinasamba? anung gagawin m?

patuloy kong sinasabi sa kanya na dadating ang panahon na matatanggap rin nila tau...pero hanggang kailan?

dumating sa punto na sinabihan syang "kapag umalis ka sa relihiyon natin itatakwil ka ng pamilya, komunidad at kapatiran natin" panakot ng pastor nila sa kanya.

di ko na talaga alam kung anong dapat kong gawin...hirap ng nasa ganitong sitwasyon, pero tama bang sya ang sisihin ko sa mga nagyayari sakin ngaun? sya na tinaguriang nagbibigay lutas sa mga problema, pero bakit ganun? sya mismo ang problema ko.

ang pag pipilian ang "mahal ko o ang relihiyon ko?"

naishare ko to dahil sa bigat ng nararamdaman ko, sa hirap ng problemang sa mga opinyon nyo ay maaaring magkaroon ng lutas ang ganitong suliranin ko...

hindi sana magkakaproblema kung walang mga sector sector ng relihiyon d ba? bat ako nahihirapan ng ganito? hindi pa ba sapat ung taong binilang mula nung magsilbi ako sa kanya bilang sakristan kailangan pang ipadanas sakin ang ganito kahirap na sitwasyon na ang na ang pinaka malapit na desisyon ay ang paghihiwalay?

makikita akong nakangiti, masaya at nakatawa subalit sa likod ng kasiyahang ito'y ang problemang sobrang bigat na nakapasan sa akin hanggang ngaun.

    News Flash

    Welcome!

    Hello fellow members, welcome to our new website! Please feel free to roam around though some section of this site is still under development.

      Read more...

      Latest Users

      • kobe24
      • Pupung
      • jecka
      • pitz_27
      • may