Kabataan ng Kristong nakapako sa Kruschrist
.KKK.Blogs

Blogs Section

Hi! Welcome to our blogs section...
here you can find present and previous articles contributed by KKK members and some close friends.
So sit back and relax... Enjoy reading! :P

Naalala Mo pa Ba?
posted: April 04 2005, 02:08:00pm (Monday)
DiViDeOvErFlOw^Siguro makakarelate kayo dito. Those were the days, simple at tahimik, masaya...

Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN.......

Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;

Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang

10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon; Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo

Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro

Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.

Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana;

Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exam;

Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak...

Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon

Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan); sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbpa.

Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.

Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)

May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo;

Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin; Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.

Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology... di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!

Sana pwedeng maibalik...

Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob...

Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara... Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...

Balik tayo sa nakaraan kahit saglit..

Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.

Noong wala pang mga drugs at malls.

Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.

Tayo noon... Doon...

Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;

Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw"

Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado na tin, kasi wala namang calculator.

Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama;

Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae;

Inaasbaran ng mga suberbiyo;

Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.

Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?

Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?

Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;

Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ng lukaok, susuwi at espada?

Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata... Estigo santo kapag nagmamano.

Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo;

matakot sa "berdugo" at sa "kapre";

Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!

Yung crush mo?

Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong, taeng-kabayo o biscocho?

Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel; Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat;

Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.

Madami pa...

Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo;

ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin... Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;

Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka;

O naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.

Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;

Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan...

May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.

Di ba masaya? Naalala mo pa ba?

Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon... Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...

Di ba noon...

Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?
Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"...

Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten...

Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman; Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti; Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa; Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.

Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.

Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi.

Kung naaalaala mo ito...
nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!

Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!

Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan ay............

MATANDA ka na! hahahahahahaha


Current Blogs
----------------------------------------
THE BASICS OF CASH FLOW
- Jeck
There are those who e-mailed me asking about the basics of cash flow. I'm really sorry that I assumed everybody already understands it. Anyway, by demand ... here it goes...
read more >>>
|


Previous Blogs

Blogs [Oct - 2008]
----------------------------------------
HAY BUHAY saudi TALAGA[Jeck] - |

Blogs [Jul - 2008]
----------------------------------------
RELIHIYON BA ANG DAHILAN?[Dennis Alas] - |
BAKIT GANON?[Jonathan Quial] - |

Blogs [Jun - 2008]
----------------------------------------
PARA SAIYO KUNG SINO KAMAN[Albert Lopez] - |

Blogs [Dec - 2007]
----------------------------------------
Paalam Kaibigan (Macky)[Michael Escobar] - |

Blogs [Oct - 2007]
----------------------------------------
The Beauty of Math![DiViDeOvErFlOw^] - |

Blogs [Sep - 2007]
----------------------------------------
MINSAN LANG, MERON PA.....[Michael Escobar] - |
I'll buy him again...[Cherry May Medina] - |

Blogs [Aug - 2007]
----------------------------------------
Kung pwede lang...[Cherry May Medina] - |

Blogs [Jun - 2007]
----------------------------------------
Ang aking Hiling...[Peter Jemiera] - |

Blogs [May - 2007]
----------------------------------------
My Inner Beauty[Aivee Dava] - |
Is is Right?[Cherry May Medina] - |

Blogs [Apr - 2007]
----------------------------------------
Peoms Poems Poems...[Albert Lopez] - |

Blogs [Mar - 2007]
----------------------------------------
Perfection in my Eyes[Aivee Dava] - |

Blogs [Nov - 2006]
----------------------------------------
Para sa Kabataan[Czarina Kay Aranzanso] - |
Farewell to a love that will never be[Aivee Dava] - |

Blogs [Oct - 2006]
----------------------------------------
Bakit hindi na lang Sukat akalain[Dennis Alas] - |
TO MY CRUSH[Aivee Dava] - |
Happy Tyms......[Joanne Sangalang] - |

Blogs [Sep - 2006]
----------------------------------------
Pusong Nangungulila[Peter Jemiera] - |
Today[Aivee Dava] - |
PARANG MAY KULANG[Aivee Dava] - |

Blogs [Aug - 2006]
----------------------------------------
Ang Tanging Hiling[Cherry May Medina] - |

Blogs [Jun - 2006]
----------------------------------------
PRIORITIES[DiViDeOvErFlOw^] - |

Blogs [May - 2006]
----------------------------------------
Sino, bakit, saan at ano????[Cherry May Medina] - |

Blogs [Apr - 2006]
----------------------------------------
Sulat ni Tatay[Betong] - |

Blogs [Feb - 2006]
----------------------------------------
Sa Iyong Mapagkalingang Kamay[Cherry May Medina] - |

Blogs [Dec - 2005]
----------------------------------------
Pasko na ulit...[Cherry May Medina] - |

Blogs [Nov - 2005]
----------------------------------------
Hay ang buhay nga naman....[Cherry May Medina] - |

Blogs [Oct - 2005]
----------------------------------------
Independent???[Cherry May Medina] - |

Blogs [Sep - 2005]
----------------------------------------
Nakaidlip![DiViDeOvErFlOw^] - |
Imulat ang puso[Albert Lopez] - |

Blogs [Aug - 2005]
----------------------------------------
Politics, From My Point of View[Lord DJ] - |
THE BOMB HAS LANDED[Betong] - |
Unfinished???[Cherry May Medina] - |
Ang Kabataang Filipino sa Makabagong Panahon[Kay Aranzanso] - |

Blogs [Jul - 2005]
----------------------------------------
"MIKAELA"[Albert Lopez] - |
NASASAKTAN PARIN,,,,[Cherry May Medina] - |
Wala Lang Akong Magawa.....[Rosemarie Domingo] - |
Nagtatanong lang po[Albert Lopez] - |
"Mam Nurse Ng Buhay ko"...[Jorge Francis Ros] - |

Blogs [Jun - 2005]
----------------------------------------
"Mam Nurse Ng Buhay ko"...[Jorge Francis Ros] - |
Paano Ba Maging Isang Mahirap?[Bing Aranzanso] - |

Blogs [Apr - 2005]
----------------------------------------
Di ko Alam... Puyat ako!!![DiViDeOvErFlOw^] - |
Naisip Ko Lang ^_^[DiViDeOvErFlOw^] - |
BAKIT KAYA?[Betong] - |
Naalala Mo pa Ba?[DiViDeOvErFlOw^] - |

Blogs [Mar - 2005]
----------------------------------------
Uuwi Akong Mag-isa[DiViDeOvErFlOw] - |
Kaibigan Ko[Cherry May Medina] - |
Ang Buhay Nga Naman[Albert Lopez] - |
'Tol [Family Ties][DiViDeOvErFlOw] - |
Level up o Level down???[Glen R. Aranzanso] - |

Blogs [Feb - 2005]
----------------------------------------
San na nga ba[Albert Lopez] - |
Ano mang sarap may kapalit na kahirapan!!![Cherry May Medina] - |
Masakit Pala Ang Magmahal!!![Cherry May Medina] - |
From the Web[Albert Lopez] - |
Hinintay ka ng Puso Ko (Valentine's Day Special) :D[Cherry May Medina] - |

Blogs [Jan - 2005]
----------------------------------------
PEKTO[DiViDeOvErFlOw] - |
Star, The Sign of Promise[Cherry May Medina] - |
something to know about me...[Lennard] - |
Diary of an Unborn Child[Rose Domingo] - |
Love Stories : Unfinished Business[DiViDeOvErFlOw] - |
IMPERFECTIONS[DiViDeOvErFlOw] - |
Pag-ibig ang Susi[DiViDeOvErFlOw] - |
SIMBANG GABI AT MISA DE GALLO Dawn and Midnight Masses[DiViDeOvErFlOw] - |
Wag Na Wag by Kitchie Nadal[DiViDeOvErFlOw^] - |


CSS Valid CSS! Valid XHTML 1.0! Creative Commons License
©2005 by Glen R. Aranzanso ::
Hosted by: Wave Technologies Inc. ::
Some Rights Reserved ::